I. INTRODUKSYON
A. Depinisyon ng Diktadura
Ayon sa Wikipedia, ang diktadura ay kadalasang nangangahulugang bilang isang autokratikong anyo ng pamahalaam na pinamumunuan ng isang indibiduwal (ang diktador) ang isang pamahalaan na walang minamanang asensiyon. Ang isang pamahalaang diktadura ay ang kabaligtaran ng pamahalaang demokratiko
II. DIKTADURA SA PANAHON NI MARCOS
A. Kasaysayan at Pangyayari
Ayon sa blog ni Prof. Jose Maria Sison, nagsimula ang malupit na pamumuno ni Marcos nang taong 1969. Ang dalawang pinakamalalaking dahilan ng pasistang diktadurang Marcos ay una, ang obhetibong mga kundisyon at talamak na krisis ng malakolonyal at malapyudal na naghaharing sistema at ikalawa, ang suhetibong salik, ang aroganteng ambisyon ni Marcos na manatili sa poder.Mula 1969 hanggang 1972, ipinamalas ni Marcos ang kanyang pagkiling sa paggamit ng dahas laban sa mga manggagawa, magsasaka at kabataan. Malupit niyang inatake ang First Quarter Storm (Sigwa ng Unang Kwrato) ng 1970 at nagpatupad ng serye ng mga pagmasaker sa Tarlac (sa mga baryo ng Culatingan, Sta. Rosa, Sta. Lucia, etc). Siya at ang naghaharing pangkatin ang may pananagutan sa pambobomba sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971, subalit sa loob lamang ng ilang oras at kahit wala pang imbestigasyon ay kagyat niyang ibinintang ito sa kanyang mahigpit na karibal sa pulitika na si Benigno Aquino at sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) at idineklara ang suspensyon ng writ of habeas corpus noong 1971. Ang suspensyon ng writ of habeas corpus ang paghahanda para sa proklamasyon ng batas militar noong 1972.
B. Mga Magandang Epekto Nito
- Sa unang pagkakataon nakapagluwas ang pilipinas ng bigas dahil sa programang reporma sa lupa.
- Dahil sa curfew hour napababa ang antas ng krimen sa maikling panahon.
- Pagpunta ng mga manggagawa sa ibang bansa.
- Dahil sa programang paglilingkod na panlipunan ay naisaayos ang pananahanang pantao at napabuti rin ang mga pook iskwater.
- Napadali din ang pagtukoy ng pamahalaan sa bilang ng mga tao dahil sa IRP.
- Napadali din ang paglalakbay dhil sa NcSO.
C. Mga Masamang Epekto Nito
- Pagkontrol ni Marcos sa media kaya hindi maipabatid ng mga midya ang totoong balita tungkol sa pamahalaan.
- Pagbabawal ni marcos sa mga nagrarali kaya hindi maipabatid ng mga tao ang kanilang saloobin.
- Pagsuspende ni marcos sa habeas corpus kya nawalan ng kalayaan ang mga may sala na ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
- Pagabuso ni marcos sa kapangyarihan.
D. Hinaing at Pagtutol ng mga Pilipino
Ayon sa mga nabasa kong artikulo tungkol sa pamamahala ni Marcos, Batas Militar at Martial Law, karamihan ng tao ay may hinaing kay Marcos. Ayon sa kanila, naging abusado daw sa pagkakaupo si Makoy sa loob ng dalawampu't isang termino niya. Ayon naman sa blog ni Benjamin Pimentel, na isa sa mga pilipinong nakulong sa pamumuno ni Marcos, doble sa kinasusuklamang pamumuno ni Gloria ang pamumuno ni Marcos. Ang paniniwala ng mga pilipino noon, ang ultimong layunin ni Marcos ay magkaroon ng bagong konstitusyong mag-aalis sa itinakdang limitasyon na dalawang magkasunod na apat-na-taong termino sa pagkapresidente at lalong amyendahan ang bagong konstitusyon sa ilalim ng batas militar at pasistang diktadura.
III. ANG KASALUKUYANG ESTADO NG PILIPINAS UKOL SA ISYU
A. Introduksyon sa Isyu
Ang pag-amiyenda sa Konstitusyon ay taliwas sa paniniwala at pasiya ni Pangulong Cory, na hindi nararapat baguhin ang SaligangBatas, lalo't ang pakay nito’y panatilihin at patagalin sa pwesto ang nakaupongPangulo.
Ang pagbawal sa pagpapalawig sa termino ngPangulo ay nakasaad sa 1987 Constitution (na itinatag ni Cory, matapos ang matagumpay na 1986 People Power Revolution) upang hindi maulit ang malagim nadiktadura ni Marcos. Sinubok nina dating Pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo ang pag-amiyenda sa Konstitusyon, upang palawigin ang kanilang termino, subali’t sila’y tinutulan ng bayan, sa pangunguna ni Cory at sila’y nabigo.
B. Komento ng Mamamayang Pilipino Ukol sa Isyu
Karamihan ng mga Pilipino na may kaalaman sa isyu, ay lubos na tumututol. Ayon kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz, sapat na ang apat na taon para makita ng sambayanan kung ano ang kaya at hindi kayang gawin ng pangulong Aquino bilang pinuno ng Pilipinas. Ayon naman sa mga netizens, ang mga dahilanni P-Noy para baguhin ang Konstitusyon ay kaduda-duda, dahil walang malaking bahagi ng sambayanan ang humihingi ng kanyang muling paglilingkod bilang Pangulo.
IV. KONGKLUSYON
Malinaw na ang mga Pilipino ay tumututol sa pagpapalawig ng termino ng kasalukuyang pangulo. Gustong tuldukan ng mga Pilipino ang namumuo at mamumuong diktadura sa administrasyon ni Aquino, na nagdeklara ng intensyong magkaroon ng pangalawang termino dahil, sa kadahilanang ayaw na nilang maranasan ang matindi at mahigpit na pamamalakad ng bansa noong Panahon ni Marcos. Nang dahil sa pagpaplano ng pangulo na palawigin ang kanyang termino, hindi maiiwasan ng mga Pilipino na ikumpara siya kay Marcos, dahilan upang lubos na tutulan ng mga ito ang isyu.
No comments:
Post a Comment